Thursday, October 7, 2010

Paglalakbay

Bakas ng mga yapak kay rami
di mawari ang kahahantungan
puno ng pangamba sa landas na tatahakin
kahinatnan sana'y maganda
sakripisyong paglalakbay
puno ng pagod at pangaral
daa'y mapusok at may nakaumang panganib
bagyo'y nalagpasan sa panahong madilim
ako'y nakipagtuos sa panahong nagdaan
puno ng pagsasakripisyo sa bawat hakbang
nasa aking palas dedidyong gagawin
nasa aking palad landas kong tatahakin
sa aking paglalakbay
tungo sa aking paroroonan.

by: MICHAL GONZALES.;)

Saturday, October 2, 2010

Tanong na di maubusan!

Tula??? para saan ba ang tula?
Di ko alam kung saan galing ang tula 
Eh ang musika saan din galing yun?
Ang maikling kuwento, nobela?

Anu ba yun di ko alam kung saan galing
Ang mga salitang yun, sino ba gumawa nun?
Iisang tao lang ba ang gumawa nun?
Ang gulo ewan, nakakayamot!

Nga pala bakit ba ako nagtatanong?
Parang tanung lang sa libro namin yun ah.
Tanung ng tanung di na maubusan ng tanong
Di rin makasagot pag di alam ang sagot.


Hay nako di ko alam ang sagot ko
Parang exam lang pag di alam ang sagot
Di na sasagutan o huhulaan nalang
Para sakaling tumama pa!


by; charmaine

Wednesday, September 29, 2010

DI DAPAT!!!

Ano ba tong nararamdaman ko?
Ang hirap isipin na ako ay umiibig sayo
Kahit na nung una ako'y iyong hinarana.
Ngunit binale wala kita


Dumaan ako sa harap mo 
Kasama ang barkada habang nagkakatuwaan 
Binalewala mo ako ni isang tingin
Wala akong napala sayo.


Ang sakit lalo't  na mahal na kita at ika'y lumayo
Mismo sa harap ng iyong katropa
Pag-ibig na di dapat sa akin
Subalit dumating ka at hinayaan mo akong ibigin ka.


by: charmaine